Excited kaming i-launch ngayon ang kauna-unahang edisyon ng Weekend Bits. Sari-sari at random na weekend adventure.

Nitong nakaraang Linggo sa aming lingguhang pamimili ng supply para sa darating na linggo, kami’y dumaan sa Carrefour at may naghihintay na sorpresa.

Buháy na talangka

Napakadalang na merong buháy na talangkang mabibili dito sa Madrid. Kung meron mang buháy ay naghihingalo na! At nang mailuto mataba at punó ng aligi ang bawat isa. Timing talaga!

Hinilabos na Alamang

Sariwang alamang na hinilabos. Ang sawsawan ay patis, lemon at sili. Ang matitira ay gagawing tortang alamang. Baon na yun.

Appetizers

Pagdating sa bahay habang nag-aayos ng mga pinamili, meryenda muna: queso de cabra curado, o keso ng kambing na pinagulang; pickeled eggplant at olives.