Piknik sa parke kasama ng mga kaibigan. Kahit biglaan lang, napakarami pa ring pagkain! Eh di ma-imagine mo na kung may patiunang abiso at preparasyon pa.

Ang weekend ay laging espesyal kasama ng mga barkada. Pahinga sa nakakapagod na rutin sa trahaho, hingahan ng niloob, biruan, tawanan…

Kainan sa parke

Halos lahat may dala kahit na ano lang, basta nabulungan mo na may get together, tiyak may bitbit. Laging may pansit at puto pero madalang ang turon at kutsinta!

Turon—parang lumpia yun nga lang ang laman ay saging at asukal

Nakakatuwa talagang makita na kahit mahirap hanapin ang mga sangkap at may extra effort sa paggawa, nakuha pang maghanda, kasi naman laging sulit ang di matatawarang ngiti at pagsasabing, “wow ansarap… turon!?, uy kutsintaaa!” đŸ˜±

Kutstinta na may budbod ng niyog

Siyempre hindi mawawala ang walang kamatayang adobo! At meron ding nagdala ng pinakbet, lechon manok, spaghetti, macaroni salad, at iba pa (atbp). Doon kinuha yung title natin sa post na ito!

Pork spare ribs, simot sarap!