Panganay sa labas

Ubod Buod — Edisyon Isa

Nagagalak naming ihatid sa inyo ang unang edisyon ng 'Ubod Buod'.

Ang mga post sa kategoriyang ito ay maglalaman ng mga piniling tampok sa loob ng isang linggo. Maaring nakapaloob dito ang mga ulam namin o ng iba; interesanteng mga bagay na natuklasan namin na maaring magiging kapakipakinabang o nakaa-aliw sa paanuman.

🎉 Ikinagagalak namin sabihin na narito na ang unang edisyon ng Ubod Buod:

🍜 Ramen Upgrade

Puede pang pasiglahin ang matamlay mong noodles sa paglalagay ng kung ano mang meron ka sa ref, lalo na ang mga tira-tira at siyempre hulugan ng itlog! Caserola ng ramen noodles

Piniprito ang daing na pusit Pritong daing na pusit
Shin Ramyun—ang Korean brand ng Ramyeon(라면) instant noodles ang nakakahiligan naming dahil sa maanghang at malasa nitong seasoning. Green onions at crabsticks ang laging naka-stack sa ref para sa instant ramen upgrade!

🦑 Pusit Pink

Ang daing na pusit** na dala pa namin galing Pilipinas ay kabalot pa rin ng doble-doble sa papel at plastik na nasa pinakatagòng sulok ng ref. Saktong almusal kapares ng sinangag at noodles! Pusit pink

Piniprito ang daing na pusit Pritong daing na pusit
Pusit Pink ang tawag sa uring ito ng daing na pusit sa palengke ng Alaminos. Mas malaki ito kung ihahambing sa puti, ang tawag sa mas karaniwang uri.

Tindahan ng daing, bagoong at mga rekado sa Alaminos, Pangasinan Kadalasan ang daing na pusit ay mabibili sa mga puesto na nagtitinda rin ng bagoong at mga rekado. Hinding-hindi mo puedeng hindi mapansin ang tindahan sa tawag-pansin nitong amoy!

🥖 Bocata de lomo

Ang baon ni Ate. Masarap at nakakabusog na baon sa eskuela. Madali lang gawin, kailangan mo lang ay barra de pan at lomo de cerdo na mabibili sa inyong suking carnercería. Bocadillo de lomo adobado

Pan de barra Binili sa carnicerong lomo adobada
Bocata o bocadillo ang tawag sa España ng tinapay na may palaman pero espesipiko itong tumutukoy kung pan de barra o baguette ang ginamit na tinapay. Sandwich naman espesipikong tawag kapag pan de molde(sliced bread) ang ginamit.

Bocadillo de lomo adobado

At iyan ang kauna-unahang labas ng seryeng ito! Salamat kung narating ninyo hanggang sa bahaging ito! Hanggang sa susunod… 😋

October 05, 2018