Kapag may tiyaga, may nilaga (o litson!)

🍗 Lechon Manok ala Crock-Pot

Madaling ihanda at napakasarap na litson manok

Iba't-iba ang paraan para mag-litson ng manok—sa uling, oven, turbo-broiler, atbp. Patok na patok sa Pilipinas ang litson manok dahil ito ay instant pero espesyal na ulam. Dahil meron sa halos lahat ng kanto na mabibilihan, bakit ka pa mag-aabla na gawin ito sa bahay?

Dito sa España, kung ang hanap mo ay litson manok o pollo asado (sa lokal na bigkas ay may tunog na 'poyo-asaw'), meron at meron kang matatagpuang malapit sa bahay mo. Kaya sa maraming bersyon na natikman mo, panahon na para gawin ang sarili mong bersyon. Narito ang isa sa aming beryon ng litson manok!

Gamit ang Crock-Pot®, sa paraan ng slow-cooking, nanuuot ang lasa at napapalambot pero hindi nadudurog. Ang resulta ay malambot, makatatas at doubleng linamnam. Ang tekstura ay sa paano naiiba, mahirap ipaliwang kailangan mong matikman!

Mga Sangkap

  • Buong manok (dressed chicken)
  • Asin at pamintang durog
  • Pimentón dulce (paprika)
  • Garlic at onion powder
  • Mga aromatikong yerba (albahaca, perejil, oregano, tomilo, romero at cayena)
  • Opsyonal: lemon at green onions
Mga sangkap ng litson manok

Paraan ng pagluluto

Tiyaking wala ng balahibo ang naibiling manok! Iyan ang number one na dapat tiyakin.

  1. Sa isang lalagyan gaya ng palanggana, pagsama-samahin ang asin, pamintang durog, paprika, garlic at onion powder, at lahat ng nakatalang yerbas sa itaas. Herb rub sa dressed chicken

  2. Hagurin ang buong manok ng pinaghalu-halong aromatikong sangkap at pampalasa. Herb rub sa dressed chicken

  3. Maglagay ng aluminum foil ring sa ilalim ng Crock-Pot na magsisilbing tuntungan ng manok. Kailangan ito para hindi mababad ng katas ang side ng manok at maiwasang masunog ang likod na bahagi kapag nakasagi ito sa vat.

    • Aluminum foil ring
    • Herb-rubbed chicken in Crock-Pot
  4. I-set ang Crock-Pot sa High at taymeran ng 3.5 hours ilagay ng lapat na lapat ang takip.

Time set to cook chicken in Crock-Pot

Mahalagang babala: Huwag na huwag kailanman bubuksan kapag kasalukuyan at lalo na sa kalagitnaan ng pagluluto. Ang na-trap na init kapag sumingaw dahil inangat mo ang takip ay nangangailan ng panahon para maipon uli. Chicken recently cooked from slow cooker Hanguin mula sa Crock-pot ang manok makalipas ang cooking time nito. Handa na ito para tapusin sa oven. Gamit ang Broil — TOP setting ng horno, ilagay ang manok sa gitnang rack ng oven at lutuin para papulahin ang balat nito at ma-lechon ng hindi lalampas sa 10 minuto. At ganito ang kalalabasan:

Roasted chicken out of oven

Ang recipeng ito ay napakasarap at napakadaling gawin. Iwan mo at pagbalik mo may masarap ka ng ulam na parang inorder mo sa restaurant, pero higit pa kung sa lasa lang ang pag-uusapan!

Roasted chicken ala Crock-pot

Roasted chicken with vegetable salad Masarap na itambal dito ay ensalada ng iba't-ibang sariwang talbos ng gulay, crab meat sticks bilang garnish na nagbibigay ng contrast sa lasa.

Kainan na! 🍗🥗🍗

October 29, 2018