Bagoong

Ang bagoong ay pampalasa gawa sa pagbuburo ng isda o hipon. Gamit lang ay asin. Ito ay may kakaiba at malakas na amoy.

Ginagamit ito sa maraming ulam bilang pampaalat dahil bukod sa alat may hatid itong linamnam. Madalas rin itong gamiting sawsawan katambal ng kalamansi o suka. Ang bagoong alamang naman ang sidekick ng kare-kare.

Kare-kare sa palayok at bagoong alamang