Nasa pagkain, wala sa lugar

La Bahia

Mga ilan taon na rin ang nakalipas mula nang i-rekomenda sa amin ng ilang kaibigan ang La Bahia. Ang kanilang mga noodle soup at sariling-gawang mga dumplings ang una naming sinubukan at nagustuhan. Mula noon ay lagi na namin itong binabalik-balikan!

Noodle soup na parehong napakasarap: seafoods at beef

Sa weekend kapag nagagawi kami sa Tetuán at doon inaabutan ng pananghalian, ang la Bahia ang isa sa pangunahing pinagpipilian namin. Maliit lang ang lugar pero masarap at katakam-takam naman ang mga putahe!

Tuwing pumupunta kami, sumusubok kami ng bago mula sa kanilang menu. Halimbawa, dahil sa gusto naming subukan ang udon stir-fry, inorder namin ito:

Napakasarap na guisadong pansit udon

Extra fun kung gamit mo chopsticks

Nakapakasarap nga at dahil may kakaibang tekstura ang udon kumpara sa nakasanayan ng pancit bihon o canton. Isa na namang putahe na tiyak na baballik-balikan namin dito!

At siyempre hindi mawawala ang mga nakasanaya’t nakahiligan na, ang fried rice. Ang karaniwang tawag dito sa Espanya ay arroz tres delicias.

Kanin pa lang ulam na!

Ang pagkain sa labas ay inspirasyon sa puwedeng lutuin sa bahay para hindi naman nakakasawa ang mga ruting ulam.

Umpisa pa lang yan kasi naparami pa namin i-share!

Napakarami pang mga masasarap na adbentur na nais namin ibahagi habang pinapanibago namin at pinalalawak ang UlamPinoy.