Weekly: Spinach kung walang gabi

Laing ni Popeye

Laing na yata ang pinakamasarap na ulam na gulay. Paano naman kasi: baboy at hipon ang sahog, gata ang sarsa at sili ang pampaliyab na gigising sa iyong panlasa. Talaga namang mapaparami ka! 🍚

Pangunahing sangkap ng laing ang dahon at tangkay ng gabi. Ngunit napakahirap humanap niyan dito sa Europa. Pero ika nga:

“Necessity is the mother of invention”

Kapit na kapit ang kasabihang iyan higit sa lahat sa pagluluto at lalo na kapag matagal ka nang malayo sa Filipinas. Kadalasang alam mo naman kung paano lutuin ang recipe pero kulang ka sa tamang sangkap. Kaya naman kailangan mong umimbento, maging mapamaraan. Kaya kailangan mong humanap ng kapalit o kahalili, ng malapit na katumbas. Kaya sa kaso ng laing, spinach ang pinakamalapit na kahalili ng dahon ng gabi.

Spinach ni Popeye

Maraming taon na rin ang nakakalipas ginawa na iyan ng aming mga kaibigan namin iyan.

Laing ni Gigi

Dabes talaga kapag nag-langis na ang gata! Extra special kapag may dilis. Patok na baon!

Espesyal na baon ang laing sa pananghalian