Ulam Pinoy 2023

Matapos ang halos dalawang taon, heto na ang bagong post! Maraming bagay ang dumaan, maraming pinagdaanan pero ang maganda sa lahat nandito tayo! Salamat sa inyong lahat sa patuloy na sumuporta sa Ulam Pinoy.

Cured spiced beef and fried rice

Solid pa rin ang YouTube channel natin at bawat araw may nagsu-subscribe at patuloy ang mga positive comments na natatanggap namin. Marami ang nagre-request ng mga bagong video recipes at lahat naman ng inyong mga feedback ay nasa notes namin.

Nakakataba rin ng puso ang feedback sa ating Homemade Corned Beef video recipe na marami ang sumubok at nasiyahan lalo sa mga Filipino kung saan walang mabibili sa bansa nila (gaya dito sa amin sa España) ang corned beef de lata.

May corned beef nga gaya ng Hereford na wish na wish mo noong nasa Pinas ka, pero ngayong nasa abroad ka na, ang hanap mo naman ay ang lokal na corned beef gaya ng PureFoods!

Corned beef just out of the food cookr

Kaya naman magsisimula kaming gumawa uli ng mga video recipes at iba pang mga bagay na pwede naming i-share sa iyo. Ginataang alimango sa wok